= ABOUT ME =

 

hi! i'm ness...my posts are most often beautiful (in my belief) passages from many and different enlightened and wise people who were able to jot down in simple text their ideas and idealisms. since i am not and was never really talented in writing or expressing my innermost, valued beliefs, ideas and values, i will let these passages be the more appropriate and able conveyers. besides, it was through these writers and their pieces from which i learned and formed my own values. so as i present to you these writers and their creations, i am also presenting to you a part of me..get to know me through them..

 

= TAGBOARD =


 

= FRIENDS =

 

=adriel= =arianne= =caesar= =carla= =chika= =epai=

=esdi= =foxxxy= =gay= =ghala=

=gjeff= =jaycee= =jelo= =joel=

=kyang= =leah=

=lele= =louanne= =lynard= =may= =nina= =nutcase= =orange= =pai= =rhezi= =she=

=trey= =veron=
 

Tuesday, December 27, 2005

isang araw sa buhay ni nenot...

bakasyon na pero pumunta pa rin silang skul para ayusin ang ilang mahahalagang bagay na kailangan para gumradweyt...so un, kasama ang kanyang mga mabubuting kaibigan na sina mario, kaka, joeyboy, manget, iman, prinsesa1, prinsesa2, steve at pare, ginawa nila ang dapat gawin. Tumambay din sila sa bahay ni kaka pagkatapos para kumain at kumain ulit. Masaya sila. Masaya naman talaga pag kasama ang mga mabubuting kaibigan.

Pag-uwi niya, nabalitaan niyang may sakit pala ang aso niya. Dalawang araw ng di kumakain. tsk tsk. Di niya kasi maasikaso dahil lagi syang wala sa bahay. Alalang alala siya syempre, pumayat nga aso niya eh at tumamlay. Naisip niya, hindi yata ako naging mabuting ina ah. Inuna ang career. Kailangan eh.

Eto namang bunso niyang kapatid, sumabay pa. naku, e humirit pa ng, "Eh kasi ate, alis ka ng alis. Di mo na inaalagaan yung aso mo." Dahil dito (at dahil na din sa pagod at pag-aalala) sinungitan siya ni nenot at binara ng ganito, "E anong gusto mong gawin ko?! Huwag na mag-aral?! Huwag na pumasok?! Kung magsalita ka dyan, kala mo naman..." Naku! Lumabas nanaman pagka-maldita netong si nenot! Pagkasabi nito, pumasok siya sa banyo at naligo na. Alam ni nenot sa sarili niya na nalagay nanaman sa kinalalagyan niya ang bunsong kapatid. Ayaw sana niyang magalit kaso paminsan sumosobra itong isa eh. Hay!! Bad talaga o! Kailangang magtry harder na magbago...

Pagkatapos maligo, umakyat na siya sa napakalamig na kwarto. Hay, sarap talaga ng aircon! Nagsuot siya ng pambahay na sando na sobrang luma at warat warat na at ng short na presko. Di niya talaga matapon yung sando na yun eh. Naisip niya, diba lahat naman may ganung damit na di mapakawalan? Bago magcomputer e kumuha siya sa ref ng isang MALAKING bote ng tubig...habang nagtatype kasi siya e balak niyang magpakalasing sa tubig. Nagpatugtog din siya ng album ng paborito at hinahangaan niyang singer. Kakabasa ng dedications, nalaman niya na tunay ngang mga relihiyoso pala ang mga ito. Natuwa si nenot!

Pagod na siya kaya sandali lang siya nagcomputer. Bago matulog, nakipag-usap sandali sa pinakamamahal niya. Sabay zzzz...